Support in England and Wales after a positive conclusive grounds decision (Filipino accessible)
Published 22 January 2026
Applies to England and Wales
Suporta sa England at Wales pagkatapos ng positibong Conclusive Grounds decision
Nakatanggap ka ng positibong Conclusive Grounds Decision at kasalukuyang nag-aakses ng suporta sa pamamagitan ng Modern Slavery Victim Care Contract (MSVCC) na pinopondohan ng gobyerno, na inihahatid ng The Salvation Army at iba pang mga sumusuportang organisasyon na nakikipagtulungan sa kanila.
Ang suportang natatanggap mo ay magbabago na ngayong may positibo kang Conclusive Grounds decision.
Paano na ngayon magbabago ang suporta?
Nasa move-in period ka na ngayon na tatagal nang hindi bababa sa 45 araw. Sa panahong ito, tutulungan ka ng iyong kawaning pansuporta na isagawa ang mga susunod na hakbang sa iyong pagbangon at ligtas na mag-exit mula sa suportang inihahatid ng MSVCC.
Maaari kang manatili sa suporta nang mas matagal sa 45 araw kung ang iyong mga pangangailangan sa pagbangon ay hindi matutugunan ng mga serbisyo sa labas ng MSVCC. Upang tuklasin ito, aalukin ka ng iyong kawaning pansuporta na magkumpleto ng isang Recovery Needs Assessment (RNA) kasama ka.
Hindi mo kailangang lumahok sa pagtatasang ito. Puwede mong piliing mag-exit mula sa suporta ng MSVCC pagkalipas ng 45 araw o mas maaga. Tutulungan ka rito ng iyong kawaning pansuporta kung iyon ang napagpasyahan mo.
Ano ang Recovery Needs Assessment?
A Tinutukoy ng RNA kung mayroon kang patuloy na mga kinakailangang suporta. Kung gawin mo ito, maaari itong magrekumenda ng patuloy na suporta ng MSVCC para sa isang partikular na tagal ng panahon. Tinutukoy din nito ang iba pang mga serbisyo na makakatulong sa iyong mga pangangailangan sa pagbangon at paano maakses ang mga ito.
Ang mga rekumlendasyon na ito ay bubuo ng bahagi ng iyong Transition Plan na makakatulong sa iyo na lumipat sa independiyenteng pamumuhay sa labas ng MSVCC.
Paano ginagamit ang Recovery Needs Assessment?
Ginagamit ng Home Office ito para magpasya kung kailangan mo ng higit sa 45 araw ng suporta ng MSVCC para sa pag-move-on.
Kung hindi mo kailangan ng dagdag na panahon ng suporta mula sa MSVCC, mag-eexit ka sa loob ng 45 araw.
Kung kailangan mo ng dagdag na panahon ng suporta mula sa MSVCC, kadalasan itong magpapatuloy hanggang maakses mo ang iba pang mga naaangkop na serbisyo sa tulong ng iyong kawaning pansuporta. Mag-eexit ka kapag nagtapos na ang napagkasunduang dagdag na panahong ito. Kung kailangan mo pa rin ng higit na suporta pagkatapos nito, maaaring magsumite ng isa pang RNA ang iyong kawaning pansuporta, at mananatili ka sa suporta hanggang sa may maabot na desisyon.
Paano magpapasya ang Home Office kung kailan ka dapat mag-exit sa suporta?
Magpapasya ang Home Office na dapat kang mag-exit sa suporta kapag ipinakita ng RNA na:
-
Wala ka nang mga pangangailangan sa pagbangon dahil sa modernong pang-aalipin; o
-
Ang iyong mga pangangailangan sa pagbangon ay natutugunan ng mga serbisyo sa labas ng MSVCC; o
-
Nakakaakses ka ng naaangkop na suporta sa labas ng MSVCC ngunit hindi nakikilahok sa mga hakbang na kinakailangan para maakses ang suportang ito, nang walang magandang dahilan.
Ano ang iyong tungkulin sa Recovery Needs Assessment?
Nangangailangan ang RNA ng impormasyon mula sa iyo para makakuha ka ng suportang kinakailangan mo. Maaaring hilingin sa iyo na magbigay ng mga bank
statement o iba pang dokumento upang ipakita ang mga hakbang na ginagawa mo para maakses ang iba pang suporta.
Kung karapat-dapat ka para sa iba pang suporta para matugunan ang iyong mga pangangailangan, dapat mong sundin ang mga aksyon na ipinaliwanag sa iyong Transition Plan ng iyong kawaning pansuporta upang maakses ang suportang ito. Kung hindi mo kukumpletuhin ang mga aksyon na ito, maaaring bawiin ang ilan sa iyong suporta, o maaaring kailangan mong mag-exit mula sa suporta ng MSVCC.
Kung mayroong mabuting dahilan kung bakit hindi mo makukumpleto ang mga aksyon sa iyong Transition Plan upang maakses ang iba pang suporta, dapat mong sabihin sa iyong kawaning pansuporta para maitala ito sa iyong RNA at maisaalang-alang ng Home Office.
Ano ang nangyayari kung hindi ka sumang-ayon sa desisyon ng Home Office?
Maaari kang matulungan ng iyong kawaning pansuporta na magsumite ng kahilingan para sa muling pagsasaalang-alang. Dapat makatanggap ng isang kahilingan sa muling pagsasaalang-alang ang Home Office sa loob ng 28 araw ng kalendaryo mula ng maabisuhan ang The Salvation Army sa orihinal na desisyon.
Karapat-dapat ka ba sa suporta ng MSVCC pagka-exit?
Kapag mag-exit ka sa MSVCC, magwawakas ang lahat ng suporta ng MSVCC sa iyo. Kasama rito ang akomodasyon, suportang pinansyal, at kontak sa iyong kawaning pansuporta.
Gayunpaman, puwede kang mag-akses ng patuloy na tulong sa pamamagitan ng Reach-in service sa pamamagitan ng pagtawag sa The Salvation Army sa 0800 808 3733 o sa pamamagitan ng pag-email ng nakumpletong referral form sa website ng Salvation Army sa mstsupport@salvationarmy.org.uk
(www.salvationarmy.org.uk/modern-slavery/new-victim-care-contract).
Ang pag-exit sa suporta ng MSVCC kasunod ng positibong Conclusive Grounds decision ay hindi makakaapekto sa iyong pagiging kwalipikado sa anumang iba pang serbisyo
Kung magbago ang iyong mga pangangailangan, maaari ka ring humiling na muling pumasok sa suporta ng MSVCC.
Puwede kang makipag-usap sa iyong kawaning pansuporta upang malaman ang higit pa tungkol sa Reach-in services at Re-entry.